KINUMPIRMA ni Presidential spokesperson Harry Roque na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang resignation letter ni Nayong Pilipino Foundation (NPF) executive director Lucille Karen Malilong-Isberto.
“Yes, it’s been accepted. It was a resignation that was submitted to the president and the president accepted it. It was as simple as that,” ayon kay Sec. Roque.
Wala namang ideya si Sec. Roque kung nagalit ba si Pangulong Duterte sa mga sinabi ni Malilong-Isberto at ang hayagang pagsalungat nito kay Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat tungkol sa planong lagyan ng pasilidad ng mega vaccination sa reclaimed Nayong Pilipino ground sa Parañaque City.
“I don’t know under what particular details it was accepted. So, it was just a resignation and it was accepted. But, as far as asking for an explanation or anything like that, not to my knowledge,” ani Sec. Roque.
Una nang sinabi ni Malilong-Isberto na ang panukala para sa konstruksyon ay dapat magmula sa isang ahensiya ng pamahalaan katulad ng Department of Health (DoH) at hindi mula sa isang pribado tulad ng International Container Terminal Services, Inc., (ICTSI) Foundation.
Ang ICTSI Foundation na pinamumunuan ng bilyonaryong si Enrique Razon Jr., ang magtatayo ng pasilidad sa nasabing lupain ng gobyerno. (CHRISTIAN DALE)
112
