PAGBUBUKAS NG SY 2020-2021, SA AUGUST 23 NA – DEPED

students12

INIHAYAG ni Education Secretary Leonor Briones na sa Agosto 24 ng taong ito ang pagbubukas ng school year 2020-2021.

“Ang napili nating school opening date ay August 24,” ayon kay Sec. Briones sa Laging Handa public briefing.

Matatandaang, sa pangunguna ni Sec. Briones ay kinonsulta nila ang advisers, officials, sectors, at stakeholders kung kailan ba dapat simulan ang pagbabalik-eskwela ng mga estudyante ngayong taon.

Karamihan aniya sa mga tinanong ay nagsabing August ang pinaka-ideal na buwan ng class opening.

Ayon sa DepEd, hindi naman ibig sabihin ng pagbubukas ng panibagong school year ay babalik na ang mga mag-aaral sa eskwela. Puwedeng maging blended education – combination ng face to face at online teaching approach.

Noong Marso, inilunsad ang DepEd Commons, isang online learning platform para sa students, teachers, and parents. Isa ito sa mga posibleng solusyon kung sakaling hindi pa talaga maaring lumabas ang mga tao sa kani-kanilang bahay sa pagsisimula ng panibagong academic year.

Tinitignan ding posibilidad ang paggamit ng TV at radio para sa klase ng mga estudyante. Ang Bureau of Curriculum Development naman ay binalangkas ang existing DepEd curriculum dahil lilimitahan na lang sa most essential learning competencies ang ituturo sa mga mag-aaral. CHRISTIAN DALE

174

Related posts

Leave a Comment