PAGCOR, BIR, AMLAC AT PNP DAPAT KUMILOS LABAN SA POGO

NAPAGTANO kong kai-langang – kailangan ng pera ng pamahalaan dahil kahit sugal ay ginagawa nitong legal tulad ng tupada, o ang ilegal na pagpapasabong ng mga manok.

Naisip at ginawa ng mga ‘henyo’ sa ilegal na sugal na ilabas ang sabong sa online upang masamantala ang pamamayagpag ng social media, internet at ibang mukha ng modernong teknolohiya at midyum ng komunikasyon.

Kaya, mayroon tayong electornic sabong, o e-sabong.

Pokaragat na ‘yan!

Ilang buwan ding naging ilegal ang buong industriya ng online hanggang dalawa sa limang korporasyon ay naging legal.

Naobliga na rin ang Philippine Amusement and ­Gaming Corporation (PAGCOR) na pinamumunuan ni Andrea ­Domingo na patulan at tanggapin ang e-sabong upang madagdagan ang rebenyu nito.

Kaya, rehistrado sa PAGCOR ang mga kumpanyang pag-aari nina Charlie “Atong” Ang at Bong Pineda.

Tatlo na lang ang nakapila sa PAGCOR upang bigyan ang mga ito ng lisensiya.

Kung lalaki ang rebenyu ng PAGCOR dahil sa e-sabong, siguradong madaragdagan din ang kita ng Bureau of internal Revenue (BIR).

Ang iba pang kumpanya ng e-sabong na ilegal pa ang istatus ay dapat ipatrabaho ni Domingo sa Philippine ­National Police (PNP) upang hindi kumita ang mga ito habang ilegal pa.

Kumilos din dapat ang Anti – Money Laundering Council (AMLAC) dahil ‘linalabhan’ at ‘linilinisan’ ng ilegal na e-sabong ang limpak-limpak na salaping kinikita nila.

Gustong kumita ng PAGCOR at BIR upang magkaroon ng substansiyal na ambag sa kita ng pambansang pamahalaan, ngunit sablay sa aktuwal na pagkuha at paniningil sa mga kumpanya.

Katulad sa kaso ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na napakalaki sana ng nakukuhang pera ng pamahalaan mula rito.

Ngunit, hindi nalulubos ang kita, sapagkat mayroong mga kumpanyang ilegal ang diskarte sa POGO.

Kung ilegal, natural walang nasisingil ang PAGCOR at BIR na anomang klaseng bayarin at buwis mula sa kanila.

Katulad na lamang ng mga Chinese na ­nagnenegosyo ngayon sa ating bansa, sa pamamagitan ng pagpapadala ng kapwa nila Chinese dito sa Pilipinas sa ilegal na paraan.

Siyempre, kumikita ang mga Chinese tulad ng grupo ng “Huayi”.

Ayon sa source na may nalalaman sa ilegal na raket, nakalaking pera ang kita sa ‘negosyo’ ng Huayi.

Dapat hagilapin at dakpin ng PAGCOR, BIR, ­AMLAC at PNP ang mga tao at grupong nagpapasok ng mga ­Chinese upang ipasok sa mga ­kumpanyang pasok sa POGO dahil ilegal ang paraan at ­prosesong ginagamit nila rito.

Pagkatapos, kapag naipasok na ang mga Chinese sa mga kumpanya ay magaganap na rin ang iligalidad.

Pokaragat na ‘yan!

Malaki ang maitutulong ng POGO sa paglaki ng rebenyu ng PAGCOR at BIR dahil ­multi-bilyon ang kinikita ng industriyang ito sa loob ng isang taon.

Hindi naman magtatayo ang mga negosyanteng Chinese ng POGO sa Pilipinas kung hindi sila kikita mula sa kapwa nila na sobrang mahilig sa sugal.

Ang perang pampadulas sa pagpasok ng mga Chinese sa Pilipinas mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hanggang Bureau of Immigration (BI) hanggang Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pa hanggang sa POGO ay umaabot hanggang mahigit isang milyong piso.

Siyempre, malaki rin naman ang babalik na pera sa mga tagapag-asikaso tulad ng Huayi.

Hindi naman mga ungas ang mga negosyanteng Chinese upang pasukin ang ilegal na raket para sa POGO, kung maliit lang ang kita.

Masasawata ang korapsyong ito kung gugustuhin ng mga kinauukulan sa PAGCOR, BIR, AMLAC at PNP.

Nagkakaintindihan ba tayo?!

171

Related posts

Leave a Comment