Bago humingi ng mataas na pondo OVP PATUNAYAN MUNA NA INOSENTE SA PAGLUSTAY SA PONDO – SOLON

HINAMON ng isang bagitong mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Vice President Sara Duterte na patunayan muna na mali ang alegasyon sa kanya na paglustay sa kanyang confidential funds bago humingi ng mas mataas na pondo. Ginawa ni Kabataan party-list Rep. Renee Co ang hamon matapos humirit ng P903 million pondo sa 2026 ang Office of the Vice President (OVP) na mas mataas ng P170 million kumpara sa P733 million na pondo ng mga ito ngayong 2025. “We want accountability, not just delicadeza. Confidential or not, hindi natin kayang…

Read More

SUPPORTERS PINAAASA NG PRO-DUTERTE SENATORS

PINAAASA at pinalalakas lang ng mga kaalyado ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang loob ng kanilang supporters na makauuwi ang kanilang lider na ngayon ay nakakulong sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong crimes against humanity. Ganito inilarawan ni ML party-list Rep. Leila de Lima ang resolusyon na inihain ni Sen. Robin Padilla para pabalikin sa Pilipinas si Duterte na sinuportahan nina Christopher “Bong” Go at Ronald “Bato” dela Rosa. “Parang pinapalakas lang ang loob nung kanilang mga followers, nung kanilang mga supporters na huwag kayong mag-alala na baka pwede…

Read More

Sa pagsulpot ni Frasco bilang ‘dark horse’ PAGSIPA KAY ROMUALDEZ SA 20TH CONGRESS NAMUMURO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) LALONG naging maugong ang pagpapalit ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso sa paglutang ng pangalan ni Cebu Representative Duke Frasco. Bagaman hindi pa nagpahayag ng planong tumakbo bilang Speaker ng Kamara, lumulutang pa rin ang pangalan ni Frasco bilang seryosong pangalan ng susunod na lider ng House of Representatives. “He’s not making a big deal out of it, but people are taking notice,” pahayag ng isang senior House member na tumangging magpakilala. “He has the background, the integrity, and the capacity. That’s what the House…

Read More

11 LOKAL NA TERORISTA SUMUKO SA MILITAR

LABING-ISANG dating kasapi ng lokal na teroristang grupo ang nagbalik-loob sa pamahalaan at isinuko ang kanilang mga armas sa 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion ng Philippine Army noong Miyerkoles. Ayon kay Lt. Col. Loqui O. Marco, commanding officer ng 90IB, boluntaryong humarap sa pamahalaan ang mga dating rebelde matapos mapagtanto na wala nang patutunguhan ang marahas na pakikibaka. Isinuko rin nila ang mga kagamitang pandigma bilang patunay ng kanilang tapat na pagbabalik-loob. Kasama ng kanilang pagbabalik-loob ay ang pagsuko ng matataas na uri ng kagamitang pandigma kabilang ang isang M653 rifle,…

Read More

GARBAGE TRUCK TIKLO SA PAGTATAPON NG KATAS NG BASURA

PORAC, Pampanga – Isang garage truck ang nahuli habang nagtatapon nakasusulasok na likido mula sa nabubulok na mga basura sa Barangay Babo Sacan sa nasabing bayan noong Miyerkoles ng umaga. Ang trak na may plate number na NBM 1282 at minamaneho ni Renato Dela Peña, ay naaktuhan habang nagtatapon ng mabahong likido bandang alas-11 ng umaga makaraang ireklamo ng mga residente ng Barangay Babo Sacan, Planas, Pio, at Barangay Calantas sa bayan ng Floridablanca. Sa isang live na video na inupload ng isang Fred Paras, napansin ang driver ng trak…

Read More

COED PATAY SA 38 STAB WOUNDS SA TAGUM CITY

TAGUM CITY – Iniutos ng mga imbestigador na isailalim sa medico legal examination ang bangkay ng isang 19-anyos na coed na natagpuang tadtad ng saksak sa kanyang silid sa Barangay La Filipina sa lungsod noong Miyerkoles. Ayon sa pulisya, layunin nito na mapatibay at mapalakas ang kaso laban sa hindi pa nakikilalang suspek at matukoy ang tunay na sanhi ng kamatayan nito. Sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang pagnanakaw ang motibo ng suspek dahil nawawala ang ilang mahalagang gamit ng biktima gaya ng laptop, cellphone, tablet, at relo. Natagpuang nakabalot sa…

Read More

NACC NAGPASAKLOLO NA SA META PH VS BABY SELLING

UMAPELA ang National Authority for Child Care sa Meta Philippines na tumulong na masawata ang paglaganap ng bentahan ng mga sanggol sa pamamagitan ng social media partikular sa kanilang “Facebook”. Ito ay makaraan na isang sanggol ang nasagip ng NACC at Philippine National Police matapos na i-post at ibenta sa pamamagitan ng Facebook. Ayon sa NACC, nito lamang nakalipas na anim na buwan ay may natukoy na 12 Facebook groups na aktibong nagpa-facilitate ng “online baby selling” at may mahigit 200,000 followers. “I appeal to Meta PH to help us…

Read More

DRAINAGE MASTER PLAN BAGO HUKAY SA MAYNILA – ISKO

NILINAW ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na walang roadwork o infrastructure project ang papayagan sa kabisera ng bansa maliban kung sumusunod sa drainage master plan ng lungsod. Inilabas ni Domagoso ang direktiba sa isang coordination meeting kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kung saan muling binisita ang matagal nang naantala na drainage blueprint ng lungsod. Ang drainage master plan—na unang sinimulan noong unang termino ni Domagoso noong 2021 at natapos bago siya bumalik sa City Hall—ay maipatutupad na sa…

Read More

PAGSISID SA TAAL LAKE SINIMULAN NA NG PCG

PINASIMULAN na ng Philippine Coast Guard ang pagsisid sa ilalim ng Taal Lake para hanapin ang missing sabungeros na sinasabing pinatay at inilibing sa nasabing lawa. Ayon sa PCG, inumpisahan na nila ang preliminary search and retrieval operation para sa nawawalang mga sabungero na pangunahing layunin ay ma-validate ang salaysay ni Julie Patidongan, alyas “Totoy”, ang tinaguriang whistleblower sa kaso ng nawawalang mga sabungero. Mangunguna sa nasabing underwater search and retrieval operation ang Philippine Coast Guard, Department of Justice, at Philippine National Police. Bukod sa coast guard station sa Talisay,…

Read More