NAGPALABAS si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng executive order (EO) na naglalayong gamitin ang nuclear power bilang energy source kasama ang iba pang alternatibong energy resources.
Ito ay upang makamit ang growth targets ng bansa.
Ang EO 164 ay “by-product” ng EO 116 na ipinalabas noong 2020 na nag-aatas ng pagsasagawa ng pag-aaral para sa adoption ng National Position para sa Nuclear Energy Program, at binubuo ng Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee (NEP-IAC) para mapangasiwaan ang preparasyon nito.
“The national government commits to the introduction of nuclear power energy into the state’s energy mix for power generation. The state will ensure the peaceful use of nuclear technology anchored on critical tenets of public safety, national security, energy self-sufficiency, and environmental sustainability,” ayon sa EO, na may petsang Pebrero 28 subalit ipinalabas lamang nitong Huwebes.
Ayon sa pamahalaan, ang projected demand para sa malinis na energy pathway sa bansa ay inaasahang lalago ng 4.4% kada taon, “requiring almost 68 gigawatts (GW) of additional capacity by 2040.”
Sa pagsisimula ng Nuclear Energy Program, nakasaad sa EO na mababawasan nito ang posibleng trade-offs sa pagitan ng emissions at environment.
Binigyan din ng EO ng mandato ang NEP-IAC na pasama-samahin ang lahat ng audits at rekomendasyon, pagsasagawa ng pag-aaral (kung kinakailangan) gumawa ng rekomendasyon sa paggamit at viability ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) at magtatatag ng iba pang pasilidad para sa utilization ng nuclear energy.
“The Philippines last ventured into a nuclear program in 1976 when then-President Ferdinand Marcos ordered the construction of the Bataan Nuclear Power Plant (BNPP),” ayon sa ulat.
“The BNPP project, which cost as much as $2.3 billion, however, was shelved after three years due to safety concerns,” ayon pa rin sa ulat. (CHRISTIAN DALE)
198
