PAGHAHANDA NG DILG, LGUs SA TAAL ERUPTION PUSPUSAN

NGAYON pa lamang ay hinuhusto o kinokumpleto na ng lokal na pamahalaan sa tulong ng DILG, PNP, at Bureau of Fire Protection ang paghahanda sa mga munisipyo at siyudad na nakapalibot sa Bulkang Taal.

Ito ang iniulat ni DILG Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Talk to the People, Lunes ng gabi.

“Nais ko munang simulan ang aking ulat sa pagbabahagi sa lahat ng paghahandang ginagawa ng ating mga LGUs sa mga lugar na apektado ng pagkaligalig ng Bulkang Taal pati na ang mga kalapit na LGUs na maaaring maapektuhan sakaling tuluyang pumutok muli ang bulkan,” ayon sa Kalihim.

Ayon aniya sa pinakahuling anunsyo ng PHIVOLCS, nananatili sa Alert 3 Level or Alert Level 3 ang bulkan.

Habang patuloy aniya ang aktibidad ng bulkan ay umabot na sa 4,363 pamilya ang apektado at kasalukuyang mino-monitor ng LGUs sakaling magbago ang kalagayan ng bulkan.

Samantala, 30 evacuation centers na nasa pangangalaga ng lokal na pamahalaan ng Batangas at Cavite ang nangangalaga sa mahigit 1,000 pamilya o higit 4,000 indibidwal na ngayon ay mga nasa evacuation centers. (CHRISTIAN DALE)

115

Related posts

Leave a Comment