Jerusalem, Israel – Paghahambingin ko ngayon ang pagharap ng Pilipinas at ng Israel sa mga problema nito na sanhi ng mga produktong plastik.
Patuloy na tumataas ang paggamit ng mga taga-Israel ng mga produktong plastic na maituturing single-use plastic o SUP gaya ng mga plastik na kutsara’t tinidor, mga plato, baso at iba pang produktong gawa sa plastik na minsan mo lamang magagamit. Ngunit dalawa sa 16 na lungsod nito ay nagsusulong ng kanilang inisyatiba na solusyunan ang lumalaking problema ng Israel ukol sa mga produktong plastik. Ito ay ang mga lungsod ng Herzliya at Eilat.
Ang Herzliya ay kilala bilang lugar ng magagandang mga baybayin kaya’t tiyak na makaaapekto sa turismo ng lungsod at sa kapaligiran nito ang patuloy na paggamit ng mga SUP.
Ang Eilat ay kilala sa yamang dagat nito: iba’t ibang ha-yop na naninirahan sa karagatan nito, magagandang mga koral. Kilala rin iro sa mga turistang maninisid. Sisirain ng mga basurang plastic hindi lamang ang kapaligiran ang kundi pati na rin ang turismo sa lungsod.
Gaya ng dalawang lungsod, ang Meralco ay nanindigan at determinadong humaharap sa problema ng polusyong likha ng mga SUP. Simula nitong Oktubre 1, ay ipinagbawal na ng Meralco sa lahat ng opisina nito at pasilidad ang paggamit ng mga SUP. Ipinagbabawal din ito maging sa mga kaganapan, selebrasyon at iba pang aktibidades ng kompanya.
Mismong ang mga matataas na opisyal ng kompanya ang nangunguna sa inisyatibang ito. Ipinahayag ni Meralco President and Chief Executive Officer Atty. Ray C. Espinosa na, “The protection of the environment is a collective obligation that we not only owe to the communities we serve, but more importantly, the future generation. It is, therefore, incumbent upon us to ensure that we integrate sustainability in all areas of our operations and in our workplace to create a positive impact to the environment.”
Kabilang sa layunin ng Meralco ang pagbabawal ng mga SUP sa mga opisina nito at ang maturuan din ang mga em-pleyado nito ukol sa responsableng paggamit ng mga produktong plastik. Umaasa ang Meralco na ang inisyatibang ito ay makatutulong sa pagbibigay-daan sa pagsusulong ng pagbabago sa paraan ng pamumuhay ng mga empleyado at mga kasama sa negosyo.
Nawa’y ang aksyong ito ng Meralco ay tularan ng ibang kompanya at institusyon. (Sa Ganang Akin / Joe Zaldarriaga)
