PAGKALAP NG COVID TRACER IPRAYORIDAD – LACSON

HINILING ni Senador Panfilo Lacson kay Health Secretary Francisco Duque na sundin ang panukala ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na bigyang prayoridad ang pangangalap ng contact tracer upang mapigilan ang pagkalat ng corona virus 2019 (COVID-19).

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na mahusay at napapanahon ang mungkahi ni Dominguez na tila two birds in one shot na mapapalawak ang contact tracing ng posibleng nahawahan ng virus at magbibigay ng trabaho sa ating kababayan.

“Finance Secretary Carlos Dominguez III, one of the few sensible souls in the Cabinet has proposed to prioritize the hiring of contact tracers en masse to boost efforts to stop transmission and provide jobs to stimulate the economy through spending,” aniya.

Naniniwala si Lacson na tulad ng Vietnam, ang contact tracing ang pangunahing unang hakbang sa pagtugon sa banta ng COVID-19 na magbibigay ng baseline data o reference kung sino ang isasailalim sa pagsusuri.

Aniya, kung walang contact tracing, parang binabaril natin ang buwan o tumatakbo nang walang ulo sa isasagawang mass testing. ESTONG REYES

185

Related posts

Leave a Comment