PAGKUBRA NG PENSYON NG SENIORS, PINADALI

HINDI na kinakailangan magkaroon ng personal appearance ng mga senior citizen sa mga bangko at iba pang institusyon para makuha lamang ang kanilang pensyon.

Ito ay matapos atasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga pension-issuing agency at ang kanilang servicing banks at iba pang financial institutions na magkaroon ng alternative modes of validation para sa senior citizen pensioners.

“Syempre po dahil sa covid at kaligtasan ng mga seniors, inatasan ang mga relevant gov’t agencies na mag-issue ng memorandum circulars sa pagpapatupad nito sa Marso 1,” ayon kay Sec. Roque.

Batid naman aniya nila na nasa gitna pa rin ng pandemiya ang lahat at ang mga senior ay isa sa high-risk at vulnerable sa COVID-19 at para matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga ito ay inaprubahan ang resolusyon na hindi na sila kinakailangan pang magpunta sa mga bangko at iba pang institusyon para makuha lamang ang kanilang pensyon. (CHRISTIAN DALE)

141

Related posts

Leave a Comment