NAISUMITE na ng kampo nina Atty. Alex Lopez ang petisyon para sa mabilis na pagpapalabas ng mga foodpack at senior citizen allowance sa Maynila.
Inihain ang petisyon sa Manila City Hall at sa Commission on Elections (Comelec) ni Atty. Edward Magat kasama si 4th dist. councilor aspirant Bimbo Quintos.
Hiniling nina Lopez at Quintos ang agarang pagpapalabas ng food packs at senior citizen social amelioration na dapat sana noon pang Marso ito natanggap ng mga Manilenyo at hindi kailangan ipamahagi bago sumapit ang May 9 national and local elections.
“We condemned the politicization of the release of these food packs and senior allowance. It should not be release days before the election, so as not to influence the decision of the voters,” pahayag ni Atty. Lopez.
Aniya, posibleng makaimpluwensiya ang ganitong estilo sa magiging desisyon ng mga botante.
Isa umanong ‘bulok’ na pamamaraan ng pamumulitika ang ganitong hakbang para lamang tumatak sa isipan ng mga botante na mayroon silang malasakit sa mga ito, na ang totoo inipit nilang ilabas ang mga dapat sana noon pa natanggap ng mga Manilenyo.
“The delay of the release shows that the city council and the vice mayor do not have the best interest of the people, but only their selfish interest,” wika pa ni Lopez.
Sinabi ni Atty. Alex na tahasang ipinakikita ng city council at ng vice mayor ng Maynila na hindi mahalaga ang kapakanan ng mamamayan, kung hindi ang pansarili lamang nilang mga hangarin sa buhay.
“This is the reason why Manilenyos are hungry because of the selfish interest of the chosen few of the council.”
Binibinbin nila ang pagpapalabas ng foodpacks at senior citizen social amelioration upang maimpluwensiyahan ang darating na eleksyon.
“It should be distributed with timeliness,” dagdag pa ni Atty. Lopez. (JULIET PACOT)
