SINIGURO ng Malakanyang na maraming nakalatag na programa ang pamahalaan para makalikha ng employment sa gitna ng pagkawala ng trabaho dahil sa lockdown.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tulong-tulong ang iba’t ibang kagawaran sa pagkakaroon ng kani-kanilang lending program for livelihood gaya ng OWWA, DOLE, Dept. of Agriculture at DTI.
“Magkakaroon po tayo ng marami talagang mga pautang para po makapagsimula ng negosyo ang ating mga mamamayan,” ayon kay Sec. Roque.
“Sa ngayon po, kanya-kanyang departamento, mayroon silang lending program for livelihood, mayroon po ang OWWA; mayroon po ang DOLE; mayroon po ang DA; mayroon po ang DTI,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Aniya pa, mayroon ding cash for work, guarantee program at salary subsidy para sa small at medium enterprises na nakahanda ang gobyerno.
Giit ni Sec. Roque, gagamitin ng gobyerno ang kaban ng bayan para bigyan ng kapital ang mga naapektuhan ng lockdown.
Hindi rin aniya hihinto at sa halip, magiging tuloy-tuloy ang implementasyon ng Build Build Build program na magbibigay ng napakaraming trabaho sa mamamayan. (CHRISTIAN DALE)
