WALANG pakundangan nilabag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang batas nang ilipat nito ng araw ang paggunita sa Ninoy Aquino Day sa Agosto 23 mula sa Agosto 21.
Ito ang nabatid kay Liberal Party (LP) president at Albay Rep. Edcel Lagman matapos ang ura-uradang paglipat ni Marcos sa paggunita ng araw ng pagpatay kay dating senador Benigno Ninoy Aquino Jr.
“The dates of national memorials must not be changed to dilute its significance and accommodate revisionism,” pahayag ni Lagman.
Wala aniya itong ipinagkaiba sa Christmas Day sa December 25, New Year’s Day sa Enero 1, Edsa Resolution tuwing ika-25 ng Pebrero, Labor Day tuwing Mayo 1 at maging sa Feast of the Immaculate Conception tuwing December 8.
Nakasaad din aniya sa Republic Act (RA) 9492 o “An Act Rationalizing the Celebration of National Holidays” nakasaad sa pwedeng ilipat lamang ang Ninoy Aquino Day kung malapit ang Agosto 21 sa araw ng Lunes.
Sakaling nais ng Pangulo na ilipat ang araw ng mga holidays, kailangang itong maglabas ng proklamasyon, anim na buwan bago dumating ito subalit hindi nangyari sa Ninoy Aquino Day dahil noong Agosto 15, 2024 lamang nito inilabas ang Proclamation No. 665 para ilipat ang paggunita sa pagbuwis ng dating senador ng kanyang buhay para mapalaya ang mga Pilipino sa rehimen ng ama ni Marcos Jr., na diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
“The change of date in Ninoy Aquino’s death celebration this year is obviously in violation of the law as it should have been proclaimed by the President six (6) months ago,” paliwanag pa ni Lagman.
Magugunita na noong Agosto 21, 1983 ay bumalik sa Pilipinas si Aquino na kilalang mortal na kaaway ni Marcos Jr., sa pulitika subalit bago ito nakababa sa eroplano sa tarmac, ay binaril at napatay ito.
Naging dahilan ang pagkamatay ni Ninoy para mag-alsa ang mga Pilipino laban sa diktaduryang Marcos at pagkalipas ng halos tatlong taon, partikular na noong Pebrero 25,1986 ay napatalsik sa Malacañang ang mga Marcos. (BERNARD TAGUINOD)
161