TITINGNAN ng Department of Education ang ulat na may ilang private learning institutions sa Maynila ang di umano’y nire-require ang kanilang pre-teen students na pumunta ng eskuwelahan para sa kanilang graduation photos.
Ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF) , ang mga kabataan na may edad 15 pababa ay nananatiling bawal lumabas upang maiwasan na kumalat ang COVID-19.
Ang mga eskuwelahan sa ibang bansa ay nag-shift na sa remote learning para maiwasan ang pagkahawa.
“Ito po’y ipinarating na namin sa Department of Education at sila po ay mag-iimbestiga na,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
“Pero hayaan na po nating gumalaw ang Department of Education at antayin na lang po natin kung ano magiging desisyon ng [DepEd] dahil nga po the IATF policy is 12-year-olds must still stay home,” dagdag na pahayag nito.
Nauna rito, tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukalang pilot test para sa face-to-face classes.
Sa kasalukuyan, ang mga estudyante ay umaasa sa online classes, printed modules, at TV at radio broadcasts dahil sa kawalan ng in-person classes. (CHRISTIAN DALE)
283
