HINIMOK ni Senador Juan Edgardo Angara ang Department of Trade and Industry (DTI) na tulungan ang mga micro, small at medium enterprises (MSMEs) na makarecover sa gitna ng epekto ng pandemic sa pamamagitan ng pagpapadali ng proseso ng pagpapautang sa kanila.
Sinabi ni Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance, na maraming MSMEs, lalo na ang mga micro and small, ang nakararanas ng problema sa mga bangko sa pagkuha ng loans para sa kanilang operasyon.
Ipinaliwanag ni Angara na maraming requirement ang hinihingi ng mga bangko sa mga borrower na kadalasan ay hindi natutugunan ng maliliit na negosyo.
“Marami tayong mga kababayan na maliliit lang ang kinikita tulad ng pagbebenta ng fishball o ng taho. Tulad ng mga mas malaking mga negosyo, kailangan din nila ng tulong sa panahon na ito dahil kadalasan ay hindi sapat ang kinikita nila para mabayaran ang lahat ng mga gastusin nila sa pang araw-araw,” saad ni Angara.
“They need all the help they can get especially from government. Kumikita sila ng kaunti pero hindi sapat ito para mabayaran ang kanilang mga bills tulad ng sa kuryente at sa tubig,” dagdag ng senador.
Sa pagdinig sa proposed 2022 budget ng DTI, sinabi ni Angara na malaki ang maitutulong ng mga credit facilities para sa mga Small Business Corporation (SB Corp) para makabawi matapos ang pandemya.
Iminungkahi ni Angara sa DTI na gawing madali para sa micro at small businesses ang pagkuha ng loans sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga requirement.
“Let’s make it easy. Look into providing an express lane or less requirements for loans below a certain amount. Diba sa grocery kapag 10 items or less mas maiksi ang pila, may express lane. Baka pwedeng ganoon ang gawin. Kapag ang ina-apply na loan is P20,000 pababa wag na natin bigyan ng napakaraming requirements. Baka the cost of enforcement and administration is even higher than the loan itself,” diin ni Angara.
“Tulad ng mga nagbebenta ng fishball o taho, wala naman silang mga financial statements o di kaya e balance sheets para isumite sa mga bangko bilang requirements,” dagdag nito. (DANG SAMSON-GARCIA)
170 