MOA SIGNING – (Mula sa kaliwa) Pinangunahan ni NLEX Corporation President and GM J. Luigi L. Bautista kasama sina NOLCOM Commander Lt Gen Fernyl G. Buca, PAF, at Leighton Contractors (Asia) Limited Country Manager and President Kits V. Chuidian ang isinagawang Memorandum Of Agreement (MOA) signing ceremony kamakailan para sa pagsasaayos ng NOLCOM Transient Facility- Phase II sa loob ng Camp General Servillano Aquino sa Tarlac City. (CONTRIBUTED PHOTO)
MAKARAANG makumpleto ang pagsasaayos ng male barracks ng Northern Luzon Command (NOLCOM) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Enero ay sisimulan naman ng NLEX Corporation ang pagtatayo ng transient facility Phase 2.
Ayon sa NLEX Corporation, NOLCOM transient facility Phase 2 ay para sa mga female military personnel na matatagpuan sa Camp General Servillano Aquino sa Tarlac City, habang katuwang ang Leighton Contractors (Asia) bilang implementor ng proyekto.
Nabatid na isinagawa ang ceremonial signing ng Memorandum Of Agreement (MOA) noong July 6, 2023 sa pangunguna nina NLEX Corporation President J. Luigi L. Bautista, Leighton Contractors (Asia) Limited Country Manager and President Kits V. Chuidian, at NOLCOM Commander Lt. Gen. Fernyl G. Buca, PAF na ginanap sa Camp Aquino in Tarlac.
Una nang nai-turnover ng NLEX sa NOLCOM ang refurbishment ng Phase 1 ng nasabing transient facility noong buwan ng Enero 2023 habang ang Phase 2 ay target tapusin ng NLEX at Leighton bago matapos ang taon.
“We believe the support for our military personnel should not only come from national and local governments but also from the private sector who greatly benefits from the services provided by NOLCOM. As this esteemed institution is committed to protect the people in our area of responsibility, we are as committed in giving them a more comfortable place where they could rest and relax. This is our simple way of thanking them for their service,” wika ni MPTC business consultant Rodrigo E. Franco, na siya ring head ng Resource Planning and Generation of NOLCOM’s Multi-Sector Governance Council (MSGC).
Ang proyekto ay isasagawa ng NLEX at Leighton sa kanila ang gastusin kabilang ang replacement of roof, column supports, at kisame ng pasilidad, renobasyon ng lobby, entrance walkway at instalasyon ng barracks.
Ito ay bahagi ng inisyatiba ng NLEX’s corporate social responsibility program na ibalik sa komunidad at ibang stakeholders at pagkilala sa NOLCOM sa malaking papel nito na ma-secure ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayan sa ilalim ng kanilang pamamahala gayundin sa mga motoristang bumibiyahe sa north Luzon sa loob ng NLEX at SCTEX.
Pinasalamatan ni Lt. Gen. Buca ang NLEX at Leighton para sa naturang proyekto na pagpapatunay ng malakas na ugnayan sa pagitan ng militar at ng private sector.
