PAGSASALIN NG POSISYON AT INAGURASYON TAGUMPAY

PUNA Ni JOEL AMONGO

NAGING matagumpay ang pagpapasa ng kapangya­rihan ng palabas sa papasok na pinakamataas na ­posisyon sa bansa at inagurasyon na ginanap sa National Museum Fine Arts sa Maynila noong Huwebes.

Bahagi ng naturang kaganapan nitong Hunyo 30 ng ­umaga ang pagtungo ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (PBBM) sa Palasyo ng Malacañang sa San Miguel, Manila kung saan siya pormal na sinalubong ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte.

Lumalabas na pinakahuling lumagda sa logbook kung saan inilalagay ang panauhin pandangal ng pangulo ay si PBBM.

Pagkatapos pumirma ng incoming president (PBBM) sa logbook ay saglit nag-usap ang dalawang pangulo ­kaharap sina outgoing Executive ­Secretary Salvador Medialdea, incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez at Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

Ipinasyal naman ni outgoing PRRD si incoming PBBM sa compound ng Palasyo na napaliligiran ng puwersa ng militar.

Sa katanghalian ng Hunyo 30 ay tinungo ni PBBM ang National Museum Fine Arts sa Maynila para isakatuparan ang kanyang inagurasyon.

Pormal na nanumpa si PBBM kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, kasama ang kanyang maybahay na si Atty. Liza Araneta Marcos at kanilang mga anak.

Kasama rin ni PBBM ang ina na si dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos, mga kapatid na sina Irene at Imee at mga pamangkin.

Dinaluhan din ng mga digni­ta­ries ng iba’t ibang bansa, politicians, gov’t officials, pinuno ng simbahan, supporters ni PBBM at marami pang iba ang okasyon.

Pinuri naman ng taumbayan ang simple at malaman na pananalita ni PBBM sa inagurasyon bilang kauna-unahang “majority president”.

Marami naman ang nakapansin sa naging sitwasyon ng panahon sa araw ng inagurasyon sa National Museum na kung saan ay hindi natuloy ang pagbabadya ng pag-ulan.

Sa huli ay naging maayos ang pagsasalin ng kapangyarihan sa pagitan nila Duterte at Marcos.

Epektibo ang panunungkulan ni PBBM pagkatapos niya manumpa kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na magta­tapos pagkalipas ng anim (6) na taon, ayon sa konstitusyon.

Work! Work! Work! Good luck! po sa mga bagong opisyal maging appointed man kayo o elected.

Sama-sama tayong babangon muli!

Congrats po sa aming mga big boss na sina Atty. Vic Rodriguez, bilang bagong ­executive secretary (ES) at Anton Lagdameo, bilang special assistant to the president (SAP).

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o magtext sa cel# 0977-751-1840

166

Related posts

Leave a Comment