Pagsibak kay Torre trending MAHINA TALAGA SI PBBM – NETIZENS

malacanang

KINUYOG ng mga netizen ang Malakanyang matapos ang biglaang pagsibak sa pwesto kay dating Philippine National Police (PNP) Chief si P/Gen. Nicolas Torre III kamakalawa.

Hindi lamang mga ordinaryong netizen ang nagdabog sa social media kundi maging ilang kilalang personalidad at miyembro ng Kamara tulad nina Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ay napa-ANYARE?

Dismayado si de Lima sa pagkakasibak kay Torre na may malaking papel na ginampanan sa high profile arrests nina dating pangulong Rodrigo Duterte at Apollo Quiboloy.

Post niya sa X: “What’s happening? They better have a good reason for doing that to a very popular, much appreciated and high-performing PNP chief.”

“‘Yung mga sangkot sa flood control dapat ang sibakin pero Chief PNP ang tinanggal. Anyare?” post naman ni Cendaña.

Base sa mga komento online, marami ang nagagalit kay Pangulong Bongbong Marcos sa pagbalewala sa trabaho at kakayahan ng anila’y ‘People’s General’.

May mga nagpahiwatig na ang aksyon ng Malakanyang ay nagpapakita ng kahinaan ng pamumuno ng Pangulo at kawalan niya ng kontrol sa kanyang mga tauhan.

Basahin ang ilan sa mga komento:

“Nauna pang narelieve sa duty si PNP Chief Torre kaysa dun sa DPWH secretary.”

“Gen. Torre isn’t a perfect PNP chief, but he has the balls to walk the talk. Unfortunately, mukhang may corrupt gov’t official na iyakin siyang nabangga, kaya tinanggal.
Well, ganiyan naman sa gobyerno, tinatanggal yung mga competent, tapos ipinapalit yung mga walang kwenta.”

“Pero yung mga incompetent at may issue ng corruption retained or kung alisin man sa pwesto ay nililipat lang.”

“Di nila mahawakan sa leeg si Gen Torre kaya niligwak..”

“Pag gumawa ka ng tama,masama ka,maraming kabuhayan ng mga BOYS ang nabawasan!!sorry Hen Torre di ka raw marunong makisama!!”

“kulang tlg kasi ng diskarte ‘tong c bbm, d mo malaman kung tinu-tinuhan o tanga lng tlg.”

“Something strange is going on sa Malakanyang

First, it was NBI Director Santiago

And now, it’s PNP Chief Torre

Would you care to explain to the public, PBBM?”

“55 yo na si PNP Gen. Torre. Pa-retire na siya kaya ganoon kadali siyang isakripisyo ni BBM. Naku, heneral, laruin mo nang maayos ang alas mo. Pasukin mo ang politika. May bayag ka. Masang-masa ang hitsura mo. Ilantad mo ang lahat ng mga kabulastugang alam mo. Diyan ka magsimula.”

“Ano ba tong presidente kung sino yung mga may katiwalian at kapalpakan sa gobyerno wala siya magawa — read: si Sara Duterte, si Bonoan sa DPWH.
Tapos itong si Torre, na matino at walang isyu, sinibak. Galing no?”

“The unceremonious removal of Gen. Torre exposes the weakness of this administration. Lacking moral authority (a Marcos, hello?), it readily succumbs to pressure & depends on corrupt allies & their competing interests for power. By second-guessing itself, it emboldens its enemies.”

“Okay na sana eh.Masaya na ang mga tao kay PNP Chief Gen. Torre. Ano na namang gapangan ang nangyari? Bakit kung sino yung matino , pinalitan agad. May inggitan bang nangyari? Wala bang paliwanag kung bakit ginawa ito? Ayaw nyo talagang sumaya ang mga tao ano? Grabe talaga grrr!”

“Di ba maliwanag na pinolitika lang, mas high performing pa nga si Gen. Torre kaysa kay Jonvic.”

Maging ang forensic pathologist na si Doc Raquel Fortun ay hindi naiwasang magkomento ng: “To think I was finally, finally starting to view PNP in a positive light, TINANGGAL NYO SI TORRE??!??

Tila may halong pang-aasar naman sa bagong PNP OIC chief ang isang netizen na nagkomento ng:

So the new PNP chief replacing Gen Torre is another PMAer and refused to be assigned in Mindanao?

Ano iyan, DUWAG? MAARTE?

Naku @pnppio @PNPhotline — pag-ingatan ninyo ang bagong PNP Chief… Baka kailangan ng manicure.

47

Related posts

Leave a Comment