PAGWALIS SA MGA TSIKBOY SA PNP, SERYOSOHIN

(BERNARD TAGUINOD)

KAILANGANG seryosohin ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar ang paglansag sa mga pulis na may kabit dahil ito umano ang isa sa mga dahilan kaya sila nagiging corrupt.

Ginawa nina Deputy Speaker Eddie Villanueva at Rep. Domeng Rivera ang nasabing pahayag kasunod ng babala ni Eleazar sa mga pulis na matatanggal ang mga ito sa serbisyo kapag napatunayan na meron silang kabit.

“It will not only restore the respect and moral ascendancy of our policemen, but it will also save our law enforcers from a lifestyle which causes and forces them to commit acts of corruption,” ani Villanueva.

Naniniwala ang mambabatas na malaki ang maitutulong ng paglansag sa mga pulis na sangkot sa extramarital affairs para tuluyang lumayo ang mga ito sa paggawa ng katiwalian kaya dapat seryosohin ni Eleazar ang banta nito.

“Most of all, denouncing marital infidelity will lead the police away from committing such an act that is abominable to God, thus saving our uniformed personnel from the wrath of God,” dagdag pa ni Villanueva.

Sinabi naman ni Rivera na dapat nang bigyan ng atensyon ng Kongreso ang kanilang panukalang batas na amyendahan ang Revised Penal Code upang mapalakas ang kampanya laban sa extramarital affairs ng opisyales at empleyado ng gobyerno.

Base sa House Bill (HB) 577 o Anti-Marital Infidelity Bill, nais ni Rivera na hindi lang ang mismong asawa ng isang opisyal o empleyado ng gobyerno ang dapat magreklamo kundi maging ang mga kaanak ng mga ito.

Ipagbabawal din sa panukala ang pag-atras o pananahimik ng asawa ng isang government official at employees sa pagkakaroon ng kabit ng kanilang asawa dahil maging ang mga ito ay parurusahan.

“The lack of virtue and value for the family which the lax anti-infidelity provisions in the Revised Penal Code is actually a root cause of more serious social woes besetting the Filipino community today – from broken families to corruption in the government. We should act now to fix this problem,” ani Rivera.

Dugyot at salaula

Nauna nang kinastigo ni Eleazar ang mga tauhang dugyot at salaula.

Kasabay nito, muling binalaan ng PNP chief ang mga police commander na mahigpit nilang sundin ang Intensified Cleanliness Policy sa kanilang mga opisina o mahaharap sila sa parusa.

Ginawa ni PGen Eleazar ang babala matapos hingan ng paliwanag ng Internal Affairs Service ang commander ng Police Station 1 sa Mandaue City, Cebu dahil sa hindi pagsunod sa ICP. (May dagdag na ulat si JESSE KABEL)

230

Related posts

Leave a Comment