PAKIUSAP NI PBBM SA OPERATORS, DRIVERS: PASAHERO TULUNGAN

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga operator at driver na tumulong upang hindi lubusang mabigatan ang mga mananakay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa Parañaque Integrated Terminal Exchange kung saan pinangunahan niya ang pamamahagi ng fuel subsidy.

“Please help us so that our riding public will not have too much difficulty,” apela ni Marcos sa transport sector.

Sa ilalim ng programa, may P10,000 fuel subsidy kada bus unit, kung saan 27 operator na may 1,096 unit ang nakatanggap ng ayuda.

Hinikayat din ng Pangulo ang paggamit ng digital payment system para mas maging mabilis at maayos ang distribusyon, bagama’t pinayagan pa rin ang tseke at cash para sa mga hindi komportable sa digital.

Nakatakdang simulan ang nationwide rollout ng subsidy sa Abril 6.

(CHRISTIAN DALE)

51

Related posts

Leave a Comment