Pamimigay ng Ivermectin sa QC tuloy EPAL NI LEACHON BINIRA NI DEFENSOR

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI pinalampas ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang panawagan ni Dr. Tony Leachon sa Food and Drug Administration (FDA) na manindigan laban sa Ivermectin.

“First of all, my response to Dr. Leachon, what have you done? Number 2, what do we have against COVID-19. Is there a absolute cure for COVID-19? None,” ani Defensor sa virtual press conference.

Si Leachon ay dating miyembro ng National Task Force laban sa COVID-19 subalit sinibak ito sa kanyang tungkulin.

Kinuwestiyon din ng mambabatas ang pananahimik ni Leachon sa isyu ng Remdesivir na pinayagan ng FDA na ipagamit sa mga COVID-19 patient kahit noong November 2020 pa lamang ay ipinagbawal na ito ng World Health Organization dahil wala itong bisa at ang mahal pa aniya.

“Nagsalita ba siya? Habang nagbabayad ‘yung mga kababayan natin na napakamahal sa kanilang pagkakaospital,”ayon pa kay Defensor.

 

LABANAN SA KORTE

Ngayong araw (Abril 29) ay ilulunsad ni Defensor kasama si Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang distribusyon ng Ivermectin sa Matandang Balara, Quezon City.

Ayon sa mambabatas, kapag pinigilan ng FDA ang kanilang programa ay lalabanan umano nila ito sa korte dahil legal umano ang kanilang gagawin at ang tanging layunin ay proteksyunan ang mahihirap sa COVID-19.

“I will fight them in court. If they will again stop this initiative, I will fight them in court. Because legally, compliant kami, on two occasions during the hearings, sinabi nila na ito ay pupwedeng proseso, kung ito muli ay ihihinto nila na ang mga tao, yung mahihirap lalo’t higit ay hindi mabigyan, I will fight them in court. Masyado na,” ayon sa mambabatas.

Sinabi ng mambabatas na kaya pinili nilang ilunsad sa Matandang Balara ang kanilang inisyatiba ay dahil napansin umano ng mga ito na marami sa mga gustong magkaroon ng Ivermectin ay may kaya sa buhay dahil may access ang mga ito sa internet at alam nila ang kabutihang dulot ng nasabing gamot.

Taliwas aniya ito sa hanay ng mahihirap na kulang ng impormasyon ukol sa nasabing gamot na marami na umanong patunay na epektibo, hindi lamang sa pagpapagaling ng mga may COVID-19 kundi bilang proteksyon sa nasabing virus.

“So kami, sa aking pananaw, sila yung mas nangangailangan. Kasi kapag itong mga taong ‘to talagang nagkasakit, wala naman tong gagawin na eh. Hindi nila alam ang gagawin,” ayon pa kay Defensor.

Sa kabila nito, hindi umano nila ipipilit ang nasabing gamot sa mga ayaw.

Noong Abril 5 unang inanunsyo ni Defensor ang pamamahagi ng libreng Ivermectin na isa umano sa mga gamot na kanyang ininom nang tamaan siya ng COVID-19.

Matapos nito ay itutuloy na ang pagbibigay ng Ivermectin sa mga residente sa Quezon City upang maproteksyunan ang mga ito sa COVID-19 at maiwasang magkasakit ang mga ito.

“QC continues to be the number 1 area with the most cases of COVID-19 with a total of 87,727. Currently, there are 6,524 active cases with 1,188 deaths due to COVID-19,” ani Defensor.

211

Related posts

Leave a Comment