Panawagan sa mga senador PONDOHAN ANG ‘TEACHING SUPPLIES ALLOWANCE ACT’ NG MGA GURO

DAPAT tiyakin ng mga senador na maglalaan sila ng pondo para sa teaching supplies allowance ng mga guro sa pampublikong sistema ng edukasyon kung ipapasa ang Senate Bill 1092.

Ito ang panawagan ni Senador Richard Gordon sa mga kapwa niya kasapi ng Senado upang magkaroon ng kabuluhan ang naturang panukalang batas.

Layunin ng S.B. 1092, o Teaching Supplies Allowance Act of 2019, na maging regular ang allowance ng mga guro sa mga gamit nila sa pagtuturo upang hindi na ibabawas ng mga guro sa kanilang sahod ang pambili ng chalk, bond paper at iba pa.

“Bakit ang mga teacher pa ang magbabayad ng chalk, ng mga papel nila kung minsan? It’s really about time that we do this,” saad ni Gordon.

Aniya, “I am in support of this bill and I would like to be co-author…. [However,] kung ‘di mapapasok sa GAB (General Appropriations Bill) and later on sa General Appropriations Act (GAA), there might be rank demoralization again, pagtatawanan tayo. And I don’t think that is the intention of this bill. …

[W]e should all really join hands in making sure that this is funded under the General Appropriations bill and later on the GAA.” (NELSON S. BADILLA)

138

Related posts

Leave a Comment