(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
NANINIWALA si dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo na wala talagang kasong extra judicial killings (EJK) ang International Criminal Court (ICC) laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Reaksyon ito ni Panelo sa ulat na nagbukas ng portal ang ICC para sa mga nagnanais magsumite ng impormasyon sa war on drugs ng Duterte administration.
Aniya, may epekto sa paghahabol kay Duterte ang internet portal ng ICC.
“Iyan ay pagpapatunay na talagang wala silang kaso. Dahil kung may kaso ka, hindi ka mananawagan ng testigo,” ani Panelo.
Tinawag din niyang kalokohan ang naturang hakbang ng ICC.
“Kung mayroong warrant of arrest, eh di sana wala na ‘yan. That means, na hindi pa nga naumpisahan yung preliminary investigation, hindi pa naumpisahan ang trial,” paliwanag ng abogado.
Matatandaan na kabilang sa iniimbestigahan ng House Quad committee ang mga patayan noong nakaraang administrasyon na tinatawag na extra-judicial killing.
