PANG-AABUSO NG PECO IBINUNYAG NG PAPI

MAINAM na basahin ang investigative report ng Publishers’ Association of the Philippines (PAPI), ang pinakamalaking media group sa bansa na kinabibilangan ng mga publisher, hinggil sa nadiskubre nitong pang-aabuso at kapalpakan ng Panay Electric Company (PECO) sa Lungsod ng Iloilo sa napakatagal na panahon upang malaman ng publiko ang katotohanan.

Ipinakita rin ng PAPI ang pagbabagong nasimulan ng More Electric and Power Corporation (More Power) mula nang ito na ang distribution utility (DU) na nangangasiwa sa elektrisidad ng lungsod matapos natigil ang 96 taong operasyon ng PECO.

Ayon kay PAPI President Nelson Santos, bilang tagapagtaguyod sa paglalabas ng katotohanan na 45-taon nang ginagawa ng PAPI ay responsibilidad nitong isiwalat sa publiko ang tunay na pangyayari sa Iloilo City Electric Power.

Kaya, inilabas ng PAPI ang investigative report nito tungkol sa pagsisimula ng at pamamayagpag ng PECO, pagpapabaya at tuluyan nitong pagbagsak makalipas ang ilang dekada.

“We took interest on the issue because it involves the interest and welfare of Ilonggo power consumers, which is really the most affected sector in this controversy. We looked at the issue and knew right away that we need to do something to ferret out the truth regarding this matter,” paliwanag ni Santos.

Ani Santos, sa dami ng propaganda na inilabas ng PECO mula nang matanggalan ito ng prangkisa ay nalito ang publiko, kaya minabuting imbestigahan, talakayin at isiwalat ang mga totoong pangyayari.

“We, as publishers whose main product is truth, we can’t just sit idly amidst the controversy. We have to know the truth, we have to deliver the truth,” pahayag ni Santos na miyembro rin ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Naniniwala si Santos na makatutulong ang kanilang komprehensibong ulat sa 65,000 power consumers ng lungsod para makuha ang tamang impormasyon at mabigyang linaw ang mga ‘propaganda’ at ‘pahayag’ ng PECO.

Kabilang na tinalakay sa PAPI investigative report ay ang kontrobersiyal na isyu ng PECO sa overbilling, regular na nararanasang power interruption, kabiguan nitong mag-upgrade ng kanilang pasilidad gayong hindi naman nalugi ang kumpanya at milyun- milyong bonus pa ang ibinigay sa mga opisyal nito at ang hindi pagbabayad ng buwis.

Ipinakita rin sa artikulo ang naging basehan sa pagkansela ng Kongreso sa legislative franchise ng PECO at ang pagsasampa nito ng iba’t ibang kaso sa korte at sa Energy Regulatory Commission (ERC) para mapigilan ang operasyon ng More Power.

Kasama rin sa parehong report ang itsura ng operasyon ng More Power at mga nagawa nitong pagbabago mula nang umpisahan nito bilang power supplier ng Iloilo City noong Pebrero 2020.

Ayon kay Santos, batay sa resulta ng PAPI investigative report ay pabor sila sa naging desisyon ng Kongreso na huwag nang bigyan ng panibagong prangkisa ang PECO dahil sa mga paglabag nito at serbisyong mababa ang kalidad sa mga taga-Iloilo City bilang DU.

“Aside from winning the support of just about all sectors of the community — city officials, church leaders, business groups, consumer advocacy groups, etc. We are convinced that More Power is doing everything to ensure a much better relationship with the community it serves,” banggit ni Santos.

Ang investigative report ng PAPI ay maaaring mabasa sa http://www.papi.com.ph/wp/all-the-fuss-about-peco-and-whats-more-with-more-power/.

169

Related posts

Leave a Comment