PANGAKONG NAPAKO NG DOTr

RAPIDO ni PATRICK TULFO

ITINULOY na kahapon ng grupong Manibela ang kanilang tigil pasada na tatakbo ng tatlong araw.

Ayon kay Mar Valbuena, tagapagsalita ng Manibela, hindi tumupad ang Department of Transportation (DOTr) sa kanilang pangako sa mga transport group sa napagkasunduan sa kanilang hanay na papayagang makapagrehistro at sumunod sa proseso ng pagpapa-inspeksyon ng kanilang mga jeep at pati na ang pagkuha ng insurance.

Pero hinuhuli raw sila ng mga kawani ng LTO at kinukumpiska ang kanilang lisensiya at plaka na taliwas sa mga ipinangako ng DOTr noong pinamumunuan pa ito ni ngayo’y DPWH Sec. Vince Hizon.

Kinondena rin ng Manibela ang umano’y payola system ng mga kawani ng LTO.

Ano nga ba ang tunay na nangyari at tila parang walang pakialam ang DOTr sa mga hinaing ng mga transport group? Alam naman nilang ang masa ang higit na maaapektuhan ng strike na ito.

Binabastos yata ng DOTr ang Pangulong Bongbong Marcos na nag-utos na magpulong ang mga ito at pagbigyan ang extension na hinihingi ng Manibela.

Dapat ay magkaroon ng maayos na pag-uusap ang mga kawani upang maisaayos ang problema upang hindi na maabala ang mga mananakay.

99

Related posts

Leave a Comment