POSITIBO si Senate Majority Leader Migz Zubiri na agad maaaprubahan ang panukalang pagtataas ng age of consent para sa c mula 12 patungong 16-anyos.
Sinabi ni Zubiri na mayorya ng kanilang mga kasamahan ang pabor sa panukala upang masolusyunan ang lumolobong teenage pregnancy sa bansa.
Naniniwala si Zubiri na sa pamamagitan ng naturang panukala ay matatakot na ang mga sex predator na mambiktima ng mga menor de edad.
“Ibig sabihin po ng statutory rape age of consent, kapag ikaw po ay nakipagtalik sa 12 pababa yan ay rape, bawal yan under our revised penal code. Gusto natin yan itaas ng 16 yrs old. Dahil musmos pa pag-iisip niyan at napakadaling mawalan ng inosente, ang daming nagte-take advantage nito,” saad ni Zubiri.
Kasabay nito, hihilingin ni Zubiri kay Senate Commmittee on Justice Chairman Richard Gordon na payagan siyang pamunuan ang sub-committee para sa pagtalakay sa panukala.
“Nakakaalarma rin report ng Population Commission na 80% na nabubuntis na teenager ang partner ay adults over 21 yrs old,” diin pa ni Zubiri. (DANG SAMSON-GARCIA)
186
