PAPARATING NA BAKUNA TRIAL ORDER PA LANG

SINABI ng Malakanyang na trial order pa lang muna ang paparating na 15 thousand doses ng Sputnik V vaccine.

Inaasahan na maidedeliber na ngayong araw ang nasabing bakuna na unang itinakda kamakalawa, Abril 25.

Paliwanag ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinadyang maliit lang muna ang kinuha ng pamahalaan na bakuna na gawa ng Gamaleya upang tingnan kung paano ang tamang pangangalaga nito.

Ang Sputnik V kasi aniya ay nangangailangan ng negative 20 temperature at ito ang kauna-unahang bakuna na ganito kalamig ang required temperature.

Hindi aniya ito kagaya ng ilang bakuna na una nang dumating sa bansa na ordinaryong refrigerator lang ay pwede na gaya ng AstraZeneca at Sinovac.

“Hindi ko po alam pero siguradong darating na ang 15,000 doon sa 28 ‘no. Ang Sputnik V po kasi requires negative twenty handling, so I suppose it has something to do with the cold storage handling ‘no,” ayon kay Sec. Roque.

“At kaya nga po maliit lang muna, may trial order muna tayo dahil titingnan natin kung paano natin iha-handle. We’ve never handled negative twenty before kasi ang Astra at ang Sinovac ordinary refrigeration lamang,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)

175

Related posts

Leave a Comment