Para iwas-bullying, harassment NO UNIFORM ORDER INILABAS NI DIZON PARA SA DPWH WORKERS

IPINAG-UTOS ni DPWH Secretary Vince Dizon ang pansamantalang hindi pagsusuot ng uniporme ng mga kawani ng ahensya bilang hakbang sa kanilang seguridad.

Ayon kay Dizon, layunin nitong protektahan ang mga empleyado laban sa pambu-bully at harassment bunsod ng imbestigasyon sa mga iregularidad sa flood control projects.

Batay sa ulat ng unyon ng mga empleyado, may mga tauhan ng DPWH na nakakaranas ng pangungutya at pambabastos, lalo na ang mga nakikitang nakasuot ng uniporme habang sakay ng jeep, bus, at LRT.

Nanawagan si Dizon sa publiko na huwag idamay ang mga ordinaryong kawani ng DPWH, na aniya ay tapat lamang na ginagampanan ang kanilang trabaho.

(JOCELYN DOMENDEN)

54

Related posts

Leave a Comment