Para sa Intensified Border Protection BOC-PORT OF SUBIC TUMANGGAP NG PARANGAL

Tumanggap ng papuri mula sa JT International (JTI) Philippines, Inc., ang Bureau of Customs – Port of Subic para sa kanilang pinaigting na pagsisikap sa Border Protection na nagresulta ng pagkakasabat ng pekeng limang (5) shipments ng ibat-ibang ilegal at pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit kumulang sa 201 milyong piso para buwan lamang ng Setyembre 2020.

Ang Port ay nakapagtala ng kabuuang P305,538, 075.50 na market value mula sa lahat ng kanilang nasabat at nakumpiskang ibat-ibang shipments mula Enero hanggang Nobyembre 2020.

Ang JTI ay isang miyembro ng Japan Tobacco Group of Companies na gumagawa at nagbebenta ng kilalang brand ng tabacco sa buong mundo at nag-o-operate sa 120 bansa na nagbigay ng

Special Commendation kay Port of Subic District Collector Maritess Martin at kanyang team para sa kanilang dedikasyon at pambihirang gawain laban sa illicit trade operation at smuggling ng peke at ilegal tobacco products sa Pilipinas.

Pinagsamang pagsisikap mula kay Martin at kanyang Deputy Collectors for Assessment, Operations and Administration, Ms. Maita Acevedo, Atty. Giovanni Ferdinand Leynes at Atty. Aileen Tortoles, ang Port’s Law Division Chief Atty. Willie Sarmiento maging ang POS’ Enforcement and Security Service sa pamumuno ni Capt. Regino Tuason at Customs Intelligence and Investigation Service sa pamumuno ni IO3 Verne Enciso at iba pang Alert Team na kinilala at pinapurihan ng JTI Phils. Inc.

Ang pamimigay ng parangal ay isinagawa noong Disyembre 4, 2020 sa Clark Marriott Hotel Philippines.

Sinabi naman ni Collector Martin na siya at kanyang team ay ikinarangal ang pagtanggap ng pagkilala at malaki aniya ang kanilang pagpapasalamat para sa papuri at nangakong paiigtingin pa nila ang kanilang Border Protection and Security capabilities para pigilan ang pagpasok ng mga peke at ilegal na kalakal. (Jo Calim)

190

Related posts

Leave a Comment