Para wala nang dikit-dikit na pila sa ayuda QC GAGAMIT NG STUBS

PARA matiyak na mapananatili ang minimum health protocols sa distribusyon ng ayuda, binago ng Quezon City ang kanilang schedule na nagsimula nitong Biyernes, Abril 9.

Hinikayat ng lokal na pamahalaan ang mga barangay na ituloy ang magandang sistema na ipinaiiral para sa maayos na pilahan sa distribution centers.

Kabilang dito ang pamamahagi ng stubs, pag-schedule ng mga kailangang pumila kada oras, pagpapapila sa mga bibigyan ng ayuda sa pamamagitan ng alphabetical order, (halimbawa, puro ang mga may apelyidong nagsisimula sa letter A ang papupuntahin muna sa distribution center), o kaya naman ay kada kalye ang papipilahin.

Upang mapabilis ang verification sa mga kukuha ng ayuda, tutulong na rin ang mga barangay bilang verifier.

Para sa may katanungan o reklamo tungkol sa ayuda, maaaring dumulog sa Grievance Committee sa bawa’t distribution center.

Malaking bagay ang pakikipagtulungan ng QCitizen para maging maayos ang pila at hindi magkaroon ng siksikan habang tinitiyak na lahat ay sumusunod sa minimum health protocols.

Ang listahan ng mga benepisyaryo ay ipapaskil sa barangay at makikita sa website ng Quezon City government: https://quezoncity.gov.ph/sap-2021-distribution-list-of. (JOEL O. AMONGO)

208

Related posts

Leave a Comment