WALA nang buhay nang matagpuan ang Parish Priest ng St. John The Baptist Church sa Taytay, Rizal.
Sa ulat, tama ng bala sa baba ang ikinasawi ni Fr. Nomer Lozano De Lumen.
Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office, alas-3:45 ng hapon nitong Miyerkoles nang mangyari ang insidente.
Sa pagresponde ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station ay nadiskubre ang bangkay ni Fr. De Lumen na nakahandusay sa kanyang kuwarto sa loob ng naturang simbahan.
Sa imbestigasyon, nabanggit ng isa sa mga kasama ng Pari na may pinagdadaanan itong problema sa pamilya.
Nakuha sa crime scene ang isang baril na may isang basyo at may dalawa pang bala. (KNOTS ALFORTE)
181
