PARKS, MAS GUSTONG MAGLARO SA B.LEAGUE

NI ANN ENCARNACION

KABILANG si Bobby Ray Parks Jr. sa Filipino hoopsters na ­nililigawan ng Japanese B. League, ayon sa isang players agent.

Hindi pumirma ng panibagong kontrata si Parks matapos mapaso ang one-year deal niya sa TNT Tropang Giga dahil sa personal na dahilan.

Ngunit nananatili sa TNT ang player’s rights ni Parks, na malabong basta pakawalan na lang ng kanyang mother team.

Patuloy ang panunuyo ng B.League at iba pang international leagues sa mga Pinoy players dahil maraming basketball followers sa bansa.

Kaya maliban sa magkapatid na Thirdy at Kiefer Ravena, at Juan at Javi Gomez-De Liaño, may balitang pati si UP player Ricci Rivero ay maglalaro rin sa Japan.

Nabatid na di hamak na mas malaki ang alok sa mga manlalaro sa B.League na umaabot sa $15,000 kada buwan at may kasama pang free housing, company car at iba lang perks.

150

Related posts

Leave a Comment