PARTY-LIST NINA BADOY FRONT NG NTF-ELCAC?

PRENTE ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang EPANAW Sambayanan party-list kung saan nominee ang tatlong kilalang red-tagger na nagpahamak sa mga katutubo sa buong bansa.

Alegasyon ito ni dating Bayan Muna party-list Representative at Lumad leader na si Eufemia Cullamat ukol sa nasabing party-list kung saan ang unang tatlong nominees ay sina Atty. Marlon Busantog, Lorraine Badoy, at Jeffrey Celiz.

“EPANAW, it seems, is a front of the NTF-ELCAC, and the budget for the infamous task force should be thoroughly audited and accounted for,” ayon pa sa mambabatas dahil kahit wala nang poder sina Badoy ay patuloy ang pangre-red tag ng mga ito.

“The trio has a very rabid red-tagging record that has caused many people their lives, limb, and liberty. Such a record is not fit to run under the partylist system,” dagdag ni Cullamat kaya wala aniyang karapatan ang mga ito na katawanin ang mga katutubo sa Kongreso.

Si Badoy ay Spokesperson ng NTF-ELCAC noong panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

“They have bastardized the struggle of indigenous people by using their name and struggle just to get to Congress,” dagdag pa ng dating mambabatas.

Umapela naman ang grupong Katribu sa Commission on Elections (Comelec) na idiskwalipika ang nasabing party-list dahil imbes kampihan nina Badoy ang mga katutubo sa kanilang ipinaglalaban ay inakusahan ang mga ito na rebelde at kalaban ng estado.

“The Commission on Elections (Comelec) must not allow these individuals, known for red-tagging and being linked to state violence, to misuse the partylist system for their agenda, “ani Beverly Longid, KATRIBU National Convener.

Naniniwala rin ang grupo ni Longid na lalong pagwawatak-watakin ng nasabing party-list ang mga katutubo kapag nagkaroon na ang mga ito ng kapangyarihan sa Kongreso. (BERNARD TAGUINOD)

113

Related posts

Leave a Comment