PARU CONSTRUCTION, INDONESIAN ENERGY FIRM PUMIRMA SA KASUNDUAN PARA LABANAN BROWNOUT SA MGA PROBINSYA

ISANG malaking hakbang para sa energy security ng Pilipinas at rehiyon ang nilagdaan sa pagitan ng Paru Paru Koshiro Machi Construction and Trucking Corp at ng Puang Energy Consortium ng Indonesia.

Sa ilalim ng kasunduan, tiniyak ang tuloy-tuloy na suplay ng Indonesian coal sa loob ng limang taon, na layong bawasan ang power shortage, tapusin ang paulit-ulit na brownout, at pasiglahin ang ekonomiya lalo na sa mga probinsya.

“Hindi lang ito negosyo, kundi isang paraan para tulungan ang mga kababayan natin. Ang mga nasa probinsya ay karapat-dapat sa maaasahang kuryente. Sa pakikipagtulungan namin sa Puang, makapagbibigay tayo ng oportunidad, pag-unlad, at katatagan,” pahayag ni Manuelito Mauricio, Pangulo ng Paru Paru.

Para naman sa Puang Energy Consortium, malaking bagay ang paggamit ng likas na yaman ng Indonesia para matulungan ang mga karatig-bansa na magkaroon ng mas matatag at sustainable na suplay ng enerhiya.

Dumalo sa pirmahan ng joint venture sina Mauricio, at mula sa Puang sina Naufal Riancita, Jannisi Riancita, at Adeline Zivan Rania.

Tinatayang magdudulot ang kasunduan ng mas kaunting brownout, mas maayos na presyo ng kuryente, at mas matibay na pundasyon para sa mga lokal na negosyo—isang game-changer deal sa sektor ng enerhiya ng bansa.

(JULIET PACOT)

99

Related posts

Leave a Comment