MAGPAPATAYO ng modernong Pasig Hospital at Pasig University si Pasig City mayoralty candidate Sara Discaya sakaling palaring maluklok sa pwesto bilang alkalde ng lungsod.
Bukod dito, tiniyak ni Discaya na tututukan ang mga proyektong pabahay bago isulong ang layuning gawin ang Smart City Hall.
Aniya, mas marami kasing residente ang makikinabang sa pagkakaroon ng maayos na unibersidad at ospital.
Target ni Discaya na makapagpagawa ng state-of-the-art public hospital at bagong 11-storey university building.
Ayon kay Discaya, nakababahala na hanggang sa ngayon ay walang moderno at fully-equipped hospital sa Pasig City para magkaloob ng libreng health services sa mga reisdente.
Marami ring mag-aaral sa Pasig na sa ibang mga lungsod pa nag-aaral dahil sa kawalan ng modernong unibersidad sa lungsod.
“Because there aren’t enough good and modern universities, numerous students from Pasig seek education in other cities where they can find high-quality and contemporary schools,” ayon kay Discaya.
Dagdag niya, kung ibinibida ng kasalukuyang administrasyon na nasawata nito ang korapsyon, dapat ay may nakitang malalaking proyekto sa lungsod.
Tiniyak ni Discaya ang transparency sa mga isasagawang bidding process at titiyaking ang publiko ay may access sa mga impormasyon hinggil sa mga ginagastos ng City Government.
Sa ganitong paraan aniya ay magagarantiya ng mga residente ng lungsod na nagagamit ng tama ang pondo ng LGU.
