PINAYUHAN ng Malakanyang ang pamunuan ng ABS-CBN na dumulog sa Kongreso para sa kanilang legislative franchise renewal to operate.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, wala na sa kamay ng Executive department ang kapangyarihan ng pag-iisyu ng prangkisa.
Aniya, may session ang Kongreso kaya marapat lamang na samantalahin ng ABS-CBN ang pagla-lobby sa mga mambabatas para mapag-usapan at maaksyunan ang kanilang prangkisa na nakabinbin sa Kongreso.
Sinabi pa ni Sec. Roque na maling ibunton ang sisi kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa hindi pagkaka-renew ng prangkisa ng ABS-CBN dahil ito ay trabaho ng Kongreso.
Samantala, pinabulaanan naman ng Malakanyang na inimpluwensiyahan ng Malakanyang ang National Telecommunications Commission (NTC) kaya hindi nagbigay ng provisionary authority to operate makaraang mag-expire ang prangkisa ng nasabing media company at sa halip ay nagpalabas ng ‘cease and desist order’. CHRISTIAN DALE
263 