WALANG ibinigay na reaksyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa ulat na naisumite na sa Office of the House Speaker ang dalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
“I have no reaction,” tugon ng Pangulo.
Ayon pa kay Marcos Jr., “Hindi ko trabaho ‘yan, trabaho ng House. Pabayaan mo sila magtrabaho. I’m sure they will handle it properly. Let them do their jobs.”
Nauna rito, kinumpirma ni House Secretary General Cheloy Garafil na nai-transmit na sa tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang dalawang impeachment complaints noong Huwebes.
Sa isang pahayag, sinabi ni Garafil na isinagawa ang hakbang alinsunod sa Konstitusyon, House rules, at umiiral na protocol matapos matanggap at maberipika ang mga dokumentong isinumite ng mga complainant at endorser.
Binigyang-diin din niya na ang naturang hakbang ay isang ministerial duty ng kanyang tanggapan.
Ang unang impeachment complaint ay inihain ng Makabayan Coalition, kabilang si dating Congresswoman France Castro, at inendorso ng mga mambabatas ng Makabayan bloc.
Ang ikalawang reklamo naman ay inihain ng Tindig Pilipinas at ilang religious groups, na may endorsement nina Akbayan Representative Perci Cendaña at Mamamayang Liberal Representative Leila de Lima.
(CHRISTIAN DALE)
4
