PBBM HINDI PA TIYAK SA KAPALARAN NG E-GAMBLING

PATULOY na pinag-aaralan at sinusuring mabuti ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung ano ang magiging kapalaran ng online gambling sa bansa.

Ito’y sa kabila ng hindi niya pagbanggit sa kontrobersiyal na usapin sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (SONA), araw ng Lunes, sa Batasang Pambansa.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na “no missed opportunity” para sa Pangulo na sa wakas ay matugunan ang usapin ng online gambling.

“The President is still studying and evaluating the impact of online gambling to the country and to the Filipinos,” ang sinabi ni Castro sa isang panayam sa sidelines ng unang araw ng post-SONA discussions sa San Juan, araw ng Martes.

Winika pa ni Castro na mas makabubuti para sa Pangulo na ipagpaliban ang pagpapasya sa usapin upang mas masuri niya nang sapat ang mga kalamangan at kahinaan ng isyu.

“If he immediately declares a total ban on online gambling, but the effects on the country are not yet fully understood, then it might seem like the President is making a mistake,” aniya pa rin.

Isinisisi naman ni Castro sa illegal online gambling apps at platforms ang pagkaadik ng mga Pilipino sa sinasabing harmless past-time.

(CHRISTIAN DALE)

226

Related posts

Leave a Comment