PCG MEMBER TIMBOG SA PAGBEBENTA NG LOOSE FIREARMS

PAMPANGA – Arestado ang aktibong miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa pagbebenta ng loose firearms sa bayan ng San Simon sa lalawigan, iniulat ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) noong Linggo.

Ang Pampanga Provincial Field Unit, kasama ang San Simon Municipal Police Station, ay nagsagawa ng buy-bust operation sa loose firearms sa Barangay San Isidro noong Setyembre 10, ayon sa isang pahayag.

Nakatalaga ang suspek sa isang Coast Guard Station (CGS) sa Maynila na nahuli sa akto na nagde-deliver at nagnenegosyo ng 5.5 caliber rifle. Nasamsam din sa operasyon ang isang 9mm pistol.

Kinasuhan ang suspek sa National Prosecution Service dahil sa paglabag sa Section 32 (Unlawful Manufacture, Importation, Sale or Disposition of Firearms) ng Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) kaugnay ng Section 6 ng Republic Act No. 10175 (Cybercrime Prevention Act) para sa pangangalakal sa online platform ng baril.

Sa isang hiwalay na pahayag, kinondena ni Coast Guard Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan, ang ilegal na pagkilos, at sinabing zero tolerance sila sa naturang gawain sa loob ng kanilang hanay.

Sinabi ni Gavan na matatanggal sa serbisyo ang suspek sakaling mapatunayang nagkasala.

(JOCELYN DOMENDEN)

22

Related posts

Leave a Comment