PEACE TALKS GAWIN SA LOCAL LEVEL

ITO ang paraan na nakikita ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate National Defense Committee, para matigil ang karahasan sa mga lugar na tukoy na pinamamahayan pa rin ng mga armadong grupo gaya ng New People’s Army (NPA).

Ayon sa mambabatas, tama lamang na isulong pa rin ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa mga armadong grupo na sinasabing may ipinaglalaban, bagama’t nasa mas mainam na kalagayan ang lokal na pamahalaan para tugunin ang kanilang hinaing.

“Giving up on peace should not be an option. But given the failures of past administrations who engaged in centralized peace negotiations, I fully support the present efforts of localizing it,” pahayag ni Lacson matapos ang huling pagdinig ng Senado sa red-tagging.

Paliwanag ng senador, malaki ang maitutulong ng mga lokal na pamahalaan sa localized peace talks dahil ang mga ito ang lehitimong nakaaalam kung ano ang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan, at hindi umano lahat ng lugar ay pare-pareho ang kalagayang pangkapayapaan. (ESTONG REYES)

224

Related posts

Leave a Comment