PEKENG CONFIDENTIAL AGENT, ARESTADO

DAVAO DEL SUR – Dinakip ng mga awtoridad na nagbabantay sa Inter-agency Task Force COVID-19 checkpoint, ang isang nagpakilalang confidential agent ng Philippine Army, sa Brgy. New Opon, sa bayan ng Magsaysay sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon.

Ayon kay Major Jeffmar Tercero, hepe ng Magsaysay Municipal Police Station, ang suspek ay kinilalang si Chadee Esla Palay, 32, may live-in partner, residente sa Purok 4, Brgy. Kanapolo ng nabanggit na lugar.

Sinabi ni Tercero, sinita nila ang suspek pagdating sa checkpoint ngunit nagpakita ito ng identification card na nakasaad na isa siyang “confidential agent” ng

Special Operation Command (SOCOM) sa ilalim ng Philippine Army.

Ngunit nang isailalim sa beripikasyon, napag-alaman na hindi lehitimong grupo ng militar ang SOCOM kaya agad na hinuli ng mga pulis ang suspek.

Dagdag ni Tercero, isang electrician sa kanilang lugar ang suspek at miyembro ng tribung Bagobo.

Agad ikinulong ng mga awtoridad ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Revised Penal Code dahil sa “Usurpation of Authority.” (DONDON DINOY)

175

Related posts

Leave a Comment