PGS ORGANIZATIONAL ASSESSMENT ISINAGAWA NG BOC

customs12

Nakipag-ugnayan na ang Bureau of Customs (BOC) sa Institute for Solidarity in Asia (ISA) para  pangasiwaan ang organizational assessment ng ahensya.

Sa paggamit ng sukatan o parameter ng Performance Government System (PGS), masusuri ang katatagan ng isang organisasyon pagdating sa strategic readiness and governance mechanisms ng isang organisasyon sa pamamagitan ng  online survey, series of interviews at group discussion.

Layon ng  organizational assessment na makapagbigay ng baseline data para sa organisasyon habang ito’y  umuusad para sa  mga  susunod na yugto ng PGS Pathway.

Ang PGS ay isang platform para sa designing, exe­cuting, monitoring at sustaining strategy.

Bilang bahagi ng PGS process, ang BOC ay nagsagawa na ng tatlong araw na ‘Strategic Positioning and Road-mapping, Cascading at iba pang working sessions noong nakaraang buwan.

Layunin nitong pagsamahin ang kasalukuyang mga plano ng ahensiya  base na rin sa  kanilang 10-point priority program para sa taong  2019.

Para  na rin mas mapabilis ang proseso ng kalakalan sa lahat ng ports, nag-enroll na ang  BOC sa ISA’s PGS para makatulong sa samahan ng stakeholders.

Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ang Bureau’s enrollment sa PGS ay bahagi ng programa ng ahensiya na nakatuon sa good governance at anti-graft and corruption.

Ayon pa kay Guerrero, hangad umano ng kanyang  pamunuan na ipakita sa mga opisyal at kawani nito na seryoso ito sa isinusulong na  reporma sa institusyon at hin­ding-hindi nito papayagan ang anumang uri ng katiwalian.  (Jo Calim)

191

Related posts

Leave a Comment