PH EMBASSY SA NETHERLANDS PINURI SA PAGTULONG KAY DUTERTE

PINURI at pinasalamatan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang embahada ng Pilipinas sa Tha Hague sa agarang pagtulong kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga kasamahan nito na kinabibilangan nina dating Executive Secretary Salvador Medialdea.

“We commend the embassy and its staff for extending assistance. We believe it was part of their job – to help any Filipino in distress in their assigned area, whether he is a former official or ordinary overseas Filipino worker or tourist,” ani Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr.

Bago dumating ang dating pangulo sa nasabing bansa ay bumili na ang embahada ang winter clothing dahil winter season na ngayon sa Europa at mga pamalit na damit at care packages para sa kanya.

Bukod kay Duterte, tinulungan din ng Embahada ng Pilipinas ang nurse at aide ni Duterte para sa dalawang araw na visa upang makapagpahinga muna ang mga ito bago bumalik sa Pilipinas habang 15 araw visa naman ang ibinigay ng immigration authorities sa Netherlands kay Medialdea.

Ayon sa mambabatas, patunay ito na ginagampanan ng gobyerno ang kanilang tungkulin sa mga Pilipino sa ibang bansa na nangangailangan ng tulong, residente man sa bansang kinaroroonan, overseas workers, turista o dating mga opisyal.

Magandang pagkakataon din aniya ito sa dating pangulo na ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa crime against humanity case na kinakaharap nito sa International Criminal Court (ICC) na nakabase sa The Hague, Netherland.

“As a legislator, I remain steadfast in upholding the principles of international law, ensuring that our policies and decisions not only align with our legal obligations but also uphold the highest global standards of justice, accountability, and cooperation,” ani Gonzales.

Magugunita na noong Martes, Marso 11, 2025 ay inaresto ng International Police (Interpol) sa tulong ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) matapos isyuhan ito ng ICC ng arrest warrant.

Matapos ito ay agad na inilipad patungong Netherland si Duterte at kasalukuyang nakakulong sa The Hague Penitentiary Institution o Scheveningen Prison sa nasabing bansa. (PRIMITIVO MAKILING)

8

Related posts

Leave a Comment