PH MEN’S HANDBALL BRONZE SA SEA C’SHIPS

PUMALO ng bronze medal ang Philippine men’s team sa Southeast Asia Men and Women Beach Handball Championships sa Bangkok, Thailand.

Naunang natalo ang ­nationals kontra Thailand (14-17, 24-18, 6-8) sa semis, kaya’t ibinuhos ang ngitngit sa Singapore (16-8, 20-8) para sa ikatlong puwesto.

At kahit kinapos sa gold ­medal, ipinagmamalaki ang team ng ­kanilang coach na si Jana Franquelli.

“Nais namin maiuwi ang ginto at kaya namin, ngunit may mga malapit na tawag at kailangan namin tanggapin ang mga resulta,” pahayag ni Franquelli.

“Ipinagmamalaki ko ang koponan sa pagpapakita ng karakter at hindi nawala ang focus sa huling laro laban sa Singapore.”

BEACH VOLLEY
TEAM SASABAK SA
PRO TOUR

PITONG pares naman ng men’s at women’s volleyball players ang sasabak sa World Beach Pro Tour Futures na gaganapin sa Subic Bay Sand Court simula Disyembre 8 hanggang 11.

Kabilang sa mga ito sina Cherry Ann “Sisi” Rondina at Jovelyn Gonzaga; Jude Garcia at Krung Arbasto; Ranran Abdilla at Jaron Requinton; James Buytrago at Pol Salvador; Dij Rodriguez at Gen Eslapor; at Grydelle Matibag at Khylem Progella.

Ayon kay Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara, ang mga nabanggit ay kasama sa 16-team main draw na lalaban sa Japan, Thailand, Singapore, ­Lithuania, Israel at Italy.

Kasali sa women’s teams ang mga kinatawan mula sa Japan, South Korea, Czech Republic, ­Singapore, Canada at France. Habang sa men’s team ay Czech Republic, Japan, Thailand, Australia, New Zealand, Austria at Israel.

Ang Futures ay isa sa tatlong tier ng Volleyball World Beach Pro Tour. Ang dalawa pa ay ang ­Challenge at Elite 16. (ANN ENCARNACION)

221

Related posts

Leave a Comment