PH-US ECONOMIC, DEFENSE TIES PALALAKASIN NG BLINKEN VISIT

KUMPIYANSA ang Pilipinas na ang pagbisita ni United States (US) Secretary of State Anthony Blinken ay magreresulta ng mas lalong pinalakas na economic at defense cooperation ng dalawang bansa.

Tinukoy ang naging pahayag ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na walang inaasahang kasunduan sa pagbisita ni Blinken sa Maynila subalit mayroon namang talakayan ukol sa kasalukuyang kalagayan ng bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa isang kalatas na ipinalabas ng PCO, sinabi ni Manalo na ang progreso ng “shared commitment” ng dalawang bansa ay naglalayong palakasin ang alyansa kasunod ng common interests na mapag-uusapan.

“We intend to review regional and global developments that have significant implications for our mutual security, economic growth, and shared aspirations. We will build on the recent discussions with visiting US officials for deeper and greater economic engagement between our two countries,” aniya pa rin.

Tinukoy ni Manalo ang nakaraang pagbisita ng first-ever Presidential Trade and Investment Mission (PITM) sa pangunguna ni US Commerce Secretary Gina Raimondo to the Philippines.

Ang nakatakda naman nitong pakikipagpulong kay Blinken ay isang oportunidad para pag-usapan ang mga paraan upang matiyak ang defense at economic ties sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na tumutugon sa kasalukuyan at hinaharap na mga hamon.

Itinakda ang pulong nina Marcos Jr. at Blinken kahapon (Marso 19) sa Palasyo ng Malakanyang.

(CHRISTIAN DALE)

113

Related posts

Leave a Comment