PILITAN SA BAKUNA IGINIIT NI DUTERTE

NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gagamit ng police power ang estado para pilitin ang mamamayan na magpabakuna sa COVID-19.

Sa kanyang Talk to the People nitong Lunes, sinabi ng chief executive na kailangan pilitin ang mamamayan na magpabakuna para maaabot ng Pilipinas ang herd immunity laban sa COVID-19 na naka-angkla sa vaccination program.

“If it is not yet there in your place, ‘di pa dumating ang supply well perfectly understood. Pero ‘yung nandiyan na at ayaw ninyo o talagang may pinag-isipan,” ayon sa pangulo.

“You know, I do not want to advance this theory, but under the police power of the state, everybody can be compelled to vaccination,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “Not because we do not believe in your religion but because you are a carrier or a danger to society. ‘Yan ang problema diyan. It’s between your belief maybe, your religion, e there is a division of religion and state.”

Binigyang halimbawa ng pangulo ang prinsipyo ng “separation of church and state” subalit ipinahiwatig na ang police power ay maaaring makialam pagdating sa pagbabakuna.

Sa kabilang dako, hiniling ni Pangulong Duterte sa mga professional gaya ng mga doktor at abogado na iwasan gumawa at magpalabas ng “dangerous statements” laban sa COVID-19 vaccination dahil maaari aniyang makumbinsi ang publiko. (CHRISTIAN DALE)

184

Related posts

Leave a Comment