PINAGMULAN NG ‘TUKLAW’ CIGARETTE TINUTUNTON NG PNP

PUSPUSAN ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) para matukoy ang pinagmulan ng mapanganib na “tuklaw” cigarette at mga posibleng ruta na pinagdaanan nito papasok ng Pilipinas.

Ayon kay PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, lubhang mapanganib ang “tuklaw” o Thuoc Lao cigarettes.

Binalaan naman ni Torre ang publiko sa paggamit ng naturang sigarilyo kasunod ng pagkakaaresto sa lima katao na umano’y sangkot sa pagbebenta nito sa Puerto Princesa City, Palawan.

Aniya, may dahilan kung bakit ilegal ang naturang substance. Lubhang delikado aniya ito at hindi ginagamit sa mainstream medicine.

Sa isinagawang pagsusuri ng PDEA laboratory service, natuklasan na may mataas na nicotine content at synthetic cannabinoid ang tuklaw na mas delikado sa marijuana.

(TOTO NABAJA)

23

Related posts

Leave a Comment