PINOY NURSES PATULOY NA NAUUBOS SA PHL

PATULOY na nauubos ang Filipino nurses dahil sa mababang pasahod, hindi lamang sa mga government hospital kundi lalo na sa mga pribadong pagamutan.

Ito ang nabatid mula kay Quezon City Rep. Marvin Rillo matapos umabot sa 14,158 Filipino nurse ang sumailalim sa National Council Licensure Examination (NCLEX) sa unang pagkakataon sa nakaraang anim na buwan ngayong taon lamang.

“The numbers clearly indicate that many Philippine-educated nurses are very eager to practice their profession in America, where their skills will get the highest rewards in terms of compensation income,” ani Rillo.

Hindi pa kasama rito ang umaalis na Pinoy nurses patungo sa iba’t ibang bansa bukod sa Amerika, kung saan mas mataas ang sinasahod ng mga ito kumpara sa Pilipinas na P36,000 lamang sa mga government hospital at mas mababa sa pribadong pagamutan.

Base sa pagtataya ng mambabatas, 57% sa Bachelor of Science in Nursing (BSN) graduates kada taon ang umaalis sa bansa, na ang pangunahing destinasyon ng mga ito ay Amerika kung saan umaabot sa US$86,070 o mahigit P5 million ang sinasahod kada taon.

Isang patunay rito ang 36,410 nursing graduates na kumuha ng nasabing US licensure exam noong 2023 at hindi pa kasama rito ang mga repeater na ayaw isuko ang kanilang ambisyon na makapagtrabaho sa Amerika.

Nanawagan ang mambabatas na ipasa ang kanyang panukala na P63,997 kada buwan sahod ng nurses mula sa kasalukuyang P36,619 para mapigilan ang pag-alis ng mga ito sa bansa. (BERNARD TAGUINOD)

283

Related posts

Leave a Comment