HINDI na bago sa ating pandinig ang ginagawang pagtulong ng Pitmaster Foundation sa mga nangangailangan.
Lumawak nang husto ang misyon ng grupo. Kahit saang lugar na sa bansa, dinarayo nila.
Ang mga liblib na bayan, pinapasok at pinagkakalooban ng libreng ambulansya.
Narating na rin nila ang pampalakasan. Tinutulungan na rin nila ang mga local Filipino volleyball athletes.
Hindi bola ang pinamimigay nila o ano pa mang pasilidad kundi pera o financial support mismo.
“We were able to provide financial assistance to the national women’s volleyball team as well as become one of the platinum sponsors of the PVNH Champion’s League,” wika ni Atty. Caroline Cruz, executive director ng Pitmaster.
Dahil naman sa pagtama ng bagyo sa iba’t ibang lugar sa bansa, kabilang ang Visayas, nagpaparating na rin ng tulong doon ang Pitmaster.
Kaya huwag nang magtaka kung bakit pansamantalang itinigil ang pamimigay nila ng ayuda sa Metro Manila.
“We are temporarily suspending our gift giving projects in Metro Manila and refocus our energy starting today in areas affected by typhoon Odette. #PitmasterCares,” pahayag pa ni Cruz.
Mas tinututukan daw muna nila ngayon ang mga lalawigan.
Maganda naman iyan. Mahalaga ang suporta nila sa mga lokal na pamahalaan sa iba’t ibang probinsya na binayo ng bagyong Odette.
Binabati po natin ang Pitmaster Foundation sa ginagawa nilang ito.
Mabuhay po kayo at God bless!
