PNP MAGPAPADALA NG ENGINEERS PARA SA NASIRANG POLICE STATIONS SA CEBU

MAGPAPADALA ng civil engineers ang Philippine National Police (PNP) para suriin ang pinsalang tinamo ng mga himpilan ng pulisya sa Cebu matapos ang magnitude 6.9 na lindol.

Ayon kay PNP Community Affairs Division Chief Col. Esmeraldo Osia Jr., makikipagtulungan ang mga PNP engineers sa mga eksperto mula sa Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) Cebu Chapter.

Layon ng assessment na malaman kung ligtas pang gamitin ang mga gusali at kung anong hakbang ang dapat gawin para sa rehabilitasyon.

Sinabi ni Osia na 34 na police stations at dalawang headquarters ang nagtamo ng pinsala, karamihan ay nasa Northern Cebu.

Inaasahang sisimulan ng mga team ng PNP civil engineers ang inspeksyon ngayong araw.

(TOTO NABAJA)

14

Related posts

Leave a Comment