LAGUNA – Sugatan ang isang opisyal ng pulisya matapos na pagbabarilin habang sakay ng kanyang kotse sa Calamba City noong Lunes ng tanghali.
Kinilala ang biktimang si P/Capt. Christopher Geronimo na kritikal ang kalagayan sa ospital.
Batay sa report ng Calamba City police, galing ang biktima sa PNP Regional headquarters sa Camp Vicente Lim nang tambangan ng mga suspek na sakay ng isang hindi natukoy na sasakyan bandang alas-11:45 ng tanghali.
Patungo ang biktima sa direksyon ng Silangan Exit ng SLEX, at nagmamaneho sa kanyang kotseng Toyota Vios nang ito ay pagbabarilin.
Agad itong isinugod sa Global Medical Center at ngayon ay nilalapatan ng lunas.
Tumakas naman ang hindi kilalang mga suspek matapos ang pamamaril.
Sugatan din ang driver ng isang tractor truck matapos na mahagip ng mga ligaw na bala.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente. (NILOU DEL CARMEN)
377 